• Home
  • Story Time
  • Examples
  • Home
  • Story Time
  • Examples

Examples

nila Carlo De Leon/Aaron Tan/Gilber Villaluz/Dennis Hernandez/Mark Valencia/Ronnie Dizon/Jonas Borat

Ayon kay Carlo De Leon

  • Ang pinaka nakakakilabot na pamahiin sa patay ay ang pagsuot ng kulay pulang damit sa burol / libing dahil ito daw ay sumisimbolo sa kasiyahaan. Kaya’t nararapat na sumunod sa pamahiin, gayong wala naming mawawala kung ito’y iyong susundin.
  • Ang pagpunta sa burol / libing ng naka pulang damit ay hindi nakakabuti dahil maaaring may sumunod na mamatay sa pamilya. 
  • Ang pagsuot ng mga kagamitan ng namatay tulad.ng damit, short, sapatos, etc. ay hindi nakakabuti dahil ikaw ay maaaring balik balikan o dalawin ng yumao.
  • Ang pagsuot ng mga kagamitan ng isang yumao ay nakakakilabot kung iyong susuriin o iisipin ng malalim dahil alam mo sa iyong sarili na ang dating nagmamay ari ng kagamitan na iyong sinusuot ay galling sa patay.
  • Masama ang magwalis ng bahay habang hindi pa naililibing ang patay dahil itinataboy mo raw ang kaluluwa ng namatay at isinisama mo sa kanya ang kaluluwa ng kanyang mahal sa buhay.


Ayon kay Aaron Tan

  • Masama magsuklay at maligo ang pamilya ng namatay sa burol dahil itinataboy mo raw ang kaluluwa  ng namatay at isinasama mo sa kanya ang kaluluwa ng kanyang mahal sa buhay. Maaari din naman raw na makaligo sa ibang bahay ang mga myembro ng pamilya basta huwag lang ang kanilang sariling tirahan.
  • Upang maiwasan ang sunud sunud na kamatayan  narito naman ang mga pamahiin ng mga matatanda upang maiwasan ang sunud sunud na kamatayan. Huwag lilingon sa kabaong kapag inilalabas na ito sa bahay, simbahan, o punerarya. Deretso lamanag ang pag lalakad patungo sa paglilibingan. Pagkatapos matakpan ang nitso at paalis na sa sementeryo, iwasang lingunin ang puntod ng namatay. Huwag isasama ang rosary sa paglilibing ng patay. Ang mga sampaguita o anumang bulaklak na ginawang kwintas ay gupitin o lagutin bago isama sa hukay. Sa araw ng paglilibing, pagkalabas ng kabaong sa bahay ay magbagsak ng palayok na may lamang tubig. Ito ay simbolo ng pagbasag ng masamang kapalaran at para wala nang sumunod na mangyaring pagluluksa.
  • Bawal magsuot ng pula o matitingkad na kulay dahil parang simbolo ito na masaya ka pa kahit may namatay na. Dark o earth color daw bilang sign ng pagluluksa hanggang maka isang taon or babang-luksa.
  • Lagyan ng “pabaon” at putol rosary ang kamay ng namatay dahil ang pabaon ay yung pera na hawak ng patay, tinawag nila itong pabaon pero kinukuha rin naman bago ilibing dahil sa paniniwala nila ay swerte sa negosyo ang perang iyon. Ang putol rosary naman ay nagsisilbing gabay ng namatay sa kabilang buhay, pinuputol ito para wala agad sumunod na kamag-anak.
  • Bawal pwestuhan ng kabaong ang nagamit ng pwesto sa bahay. Ito yung pamahiin na pag wala pa daw isang taon na may namatay doon sa bahay na pinagburulan, bawal daw ipagamit sa bagong namatay ang pwesto ng sinusundan nito. Sa paniniwala nila ay mag kakasunod-sunod ang burol/mamamatay sa bahay na iyon.


Ayon kay Gilber Villaluz

  • Bawal patakan ng luha ang salamin ng kabaong dahil mahihirapan umakyat sa kabilang buhay ang namatay kaya agad pinupunasan ang mga luhang pumapatak dito.

  • Kailangan palaging may gising upang bantayan ang patay, may sinaunang paniniwala na pa gang lahat daw ay natulog, kukuhanin ng mga aswang ang patay.

  • Kumutan ng pula o suotan ng pula ang mga bata pag matutulog na para daw wag dalawin ng kaluluwa ng namatay ang mga batang kamag-anak. Nagkakasakit,  nanaginip ng magasama, at umiiyak daw kasi sa pag tulog ang mga bata pag dinadalaw ng kaluluwa.

  • Bawal mabasagan ng gamit ang bahay na may burol. Kagaya ng sa luha, ang pag kabasag dawn g gamit ay senyales na may susunod na daw agad sa namatay, para kontrahin ang ganitong paniniwala, pag may nabasag na kahit anong gamit ay agad din mag basag ng isa pa, kasama din sa pamahiing ito ang bawal pagpatung-tungin ang plato sa pag liligpit para daw maiwasan ang pagkakasunod-sunod ng patay.
  • Maglagay ng sisigaw sa kabaong. Ginagawa ito kapag pinatay o naaksidente ang biktim at hindi pa nahuhuki ang nakapatay. Paraan daw ito para makunsensya ang sinuman na gumawa noon.


Ayon kay Dennis Hernandez

  • Bawal dumungaw ang buntis sa kabaong sapagkat mahihirapan daw manganak.
  • Bawal maghanda ng noodles/pasta sa burol dahil pinapaniwalaan na ang pasta o noodles kagaya ng pancit at spaghetti ay handa pag may birthday o masasayang okasyon. Respeto lang sa namatay.
  • Bawal mag-uwi ng pagkain galling sa namatayan, dahil madadala nyo raw ang espiritu ng namayapa sa inyong tirahan.
  • Bawal kuhanin ang abuloy na para sa patay. Ang perang ibinigay para sa namatay ay hindi daw maaaring kupitan o kuhanin para gastusin sa ibang bagay, maliban sa minamalas daw ang gumagawa noon, minumulto din dawn g namatay para makunsensya.
  • Mas mabuti ang gumawa bible study o simpleng pamisa. Mas madali daw mapapatawad ang mga kasalanan ng namatay at makakaakyat siya sa langit kung ipagdadasal siya ng madaming tao at madaming beses.


Ayon kay Mark Valencia

  • Pag babasag ng palayok na may tubig sa lugar ng pag-aalisan ng patay. Sa mismong araw ng libing, pagka angat ng kabaong ay agad babasagan ng palayok na may tubig o bubuhusan ng tubig ang pinag-alisan nito. Ito ay simbolo ng pagbasag ng masamang kapalaran at para wala nang sumunod na mangyaring pagluluksa. Doon din nag sisimula linisin ang buong bahay at lahat ng kalat.
  • Pag liliban ng mga bata sa kabaong, para daw multuhin ang mga bata.

  • Magpagpag pagtapos bumisita sa patay. Ang pagpa-pag-pag ay ang pagliban sa usok. Ang mga sinunog ay ang mga basura at gamit galling sa burol, ginagawa daw ito para mawala lahat ng bad vibes pati na rin ang mumulto sayo ng taong namatay. Sabi nila pag hindi ka nagpag-pag ay hindi dapat tumuloy agad sa bahay mo para umuwi dahil susundan ka ng namatay.

  • Takipan ng tela ang salamin ng bahay na namatay habang ditto nakaburol para hindi magpakita ang namatay.
  • Sa unang abuloy ng patay ay kailangan ipaypay sa pinto ang pera ng tatlong beses para marami pa ang tutulong o magbigay ng abuloy.


Ayon kay Ronnie Dizon

  • Dapat merong sariling upuan ang iniwang asawa ng namatay at bawal ito upuan ng iba. Ang paniniwala ng matatanda kapag umupo ang isang taong may asawa sa upuan ng balo hindi magtatagal mamamatay din ang asawa niya.

  • Bawal pasuotin ng sapatos ang patay dahil mumultuhin ka nila at maririnig mo ang tunog ng sapatos nila.
  • Bawal bumisita sa burol ang buntis at may sakit at magdala ng pagkain mula sa burol. Kahit candy pa ito. Ang rosaryo ng patay ay kailangang sirain. Kailangan talukbungan lahat ng salamin sa bahay kung sa bahay binuburol ang patay. Bawal sumilip sa labas ng bahay habang hinahatid ang patay sa libingan.
  • Yung mga ribbons kung saan nakasulat ang pangalan ng mga kapamilya ng namatayan ay dapat ay ibang tao ang mag-aalis at dapat itapon at wag dalhin sa libingan.

  • Bawal magtira ng pagkain. Dapat pag-ililibing na ang patay ay ubos lahat ng pagkaing hinain sa buong burol.


Ayon kay Jonas Borat

  • Kung nakabukas ang kamay ng patay ay dapat daw isara ito para hindi magsunod-sunod ang pakamatay sa pamilya.
  • Kung ikaw ay bisita at may nakalimutan sa loob ng bahay (o sa pinagbuburulan), bawal na bumalik sa loob at sa halip ay ipakuha na lamang sa ibang tao na nasa loob.
  • Dapat sakto ang sukat ng kabaong para sa namatay dahil kung ito man ay sobra, may susunod daw na ka-miyembro ng pamilya.
Make a Free Website with Yola.